Unang Kiss

Jim Paredes

Nung ako'y binata pa’t walang karanasan Wala akong alam sa pagibig at buhay Napaisip ako ano kaya ang kulang Sa buhay kong ito na tila walang laman Ako'y nanligaw sa dalaga ubod ng tamis Duon ko natikman kung anong aking namimiss At sa ilalaim ng puno kami ay nag kiss.. At nag kiss.. At nag kiss Chorus Ang sarap pala humalik at mahagkan Ng labing matamis na aking natikman Ito na bang sagot sa buhay kong walang kulay Halik lang pala'ng kailangan Kung sa pag idlip bigla ako'y napagising Sa yaman at tindi ng buhay aking napansin Dating ‘sang musmos namulat ang mga mata Nagbago ang tingin sa buhay at pag unawa Dun at dun mismo ako ay nagdesisyon Na siya na talagang aking pakakasalan Bakit pa kailangan maghintay at magtiis Sa harap ng hwes mismo kami'y nag kies At nag kiss At nag kiss Chorus Ang sarap pala humalik at mahagkan Ng labing matamis na aking natikman Ito na bang sagot sa buhay kong walang saysay Pagibig lang pala'ng kailangan Ilan taon na rin mula kami’y nag asawa Nakabuo kami ng isang pamilya Parang kelan lang kami'y binata't dalaga Ngayon kami naging mga ama at ina Magkasunod napanganak si Jun at si Tina Napakasaya pala magkpamilya Di rin tumagal sila'y natutong manligaw At nakaranas din nang unang kiss Unang kiss Kay tamis Chorus Ang sarap pala humalik at mahagkan Ng labing matamis na aking natikman Ito na bang sagot sa buhay kong walang kulay Halik lang pala ang kailangan Nung huling pasyal namin sa ilalim ng puno Napansin namin mga dahon na malugo Di namin inakala na yung naganap dito Ay magdudulot ng pagmamahalang totoo Dumating ang araw na kami nalang dalwa Mga anak namin ay may mga pamilya na At kahit na kami ay patanda ng patanda Tuloy pa rin kami ng…. ano pa ba Na mag kiss Na mag kiss Among tamis Chorus Ang sarap pala humalik at mahagkan Ng labi matamis na aking natikman Ito na bang sagot sa buhay na walang kulay Ang solution pala Kailangan lang pala Ang dapat lang pala Ay mag kiss

Written by: Lyrics Licensed & Provided by LyricFind

Create your own version of your favorite music.

Sing now

Kanto is available on:

google-playapp-storehuawei-store